Sunday, March 16, 2008

Sulit na sulit ang PhP 200.00

Nakakabagot, Nakakainip, Nakakainis, Naubusan pa ng memory ang memory card, Napakaingay, Nakakabingi, Nakakatuwa, Napakasaya, hindi yata kayang mai.describe ng iilang salita lang ang aking pinakaunang concert na nadaluhan.
Hello! Eto na naman ako para sa isa na namang kakaibang entry sa aking blog. Hehehe... first entry ko pala ito! Ehem2, ang isang ito’y napakaespesyal sa akin dahil ito yata yung pinakaunang concert na aking napuntahan at concert pa ng aking pinakapaboritong banda, (drum roll), ang HALE. Sige sisimulan ko na…

Champ Lui-Pio of Hale

Nakakabagot, nakakainip, ang tagal pa bago ang highlight ng concert… Nakatulog na nga yung kapatid ko sa dami ng mga front liner na band sa concert. Tatlo nga lang sila, pero parang habambuhay ang paghihintay. Haay buhay!

Pagkatapos ng pinakahuling front liner, na mukha pang nainis sa mga manonood dahil parang hindi nasisiyahan sa kanila, dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Naghiyawan ang lahat sa pagdating nila.

Uy! Nandito na ang Hale! Pagkatapos ng napakahabang panahon ng paghihintay ay nandito na sila. Marami silang kanta na inawit, mga kantang kinompose nila at mga kantang hindi ko makilala, hehehe. Na.video ko pa nga ang ilan sa kanila(HEHEHEHE… JONA!) Ang problema nga lang, hindi ako makakuha ng picture dahil napaka.SHAKY ng mga kamay ko! Tsk2. OK lang yun basta may videos ako(WAHAHAHA… JONA!)

Sa lakas ng music at sa hiyawan ng mga tao, talagang nabingi ako. OK pa rin yun dahil nakapaPIRMA naman ako ng TWILIGHT album nila! Unang nilapitan ko si Kuya Sheldon, tapos si Kuya Roll, tapos si Kuya Champ at panghuli si Kuya Omnie. (WAHAHAHA… JONA!) Meron nga silang sinabi paglapit ko sa kanila, ngunit hindi ko masyadong maintindihan dahil nabingi ako sa lahat ng ingay kanina.

Talagang napakasaya ng pinakaunang concert na nadaluhan ko. Sana meron pang ibang nakaabang na concert nila. Tiyak na darating ako at magiging masaya.

1 comment:

aaa said...

migz!! hehehe. heyyy! how was the concert??? lol. welkum to blogger sad diay.. ^^ weeee.. hheehe

hapi easter :P